TUGUEGARAO CITY- Papayagan na ang mga tricycle na maghahatid sa trabaho ng miembro kanilang pamilya sa Tuguegarao City.
Sinabi ni Mayor Jefferson Soriano na hindi sasaklawin ng number coding ang mga tricycle na maghahatid ng miembro ng kanilang pamilya sa kanilang trabaho.
Ayon kay Soriano, kailangan lang na kumuha ng sertipikasyon mula sa barangay na ang kanilang ihahatid na miembro ng pamilya ay para sa kanilang trabaho.
Samantala, sinabi ni Soriano na hindi papayagan na iangkas sa motorsiklo ngayong umiiral ang general community quarantine.
Sinabi ni Soriano na idinulog niya ang bagay na ito kay Dante Balao, director ng Office of the Civil Defense at regional head ng Inter-Agency Task Force sa Region 2 bago naglabas ng desisyon batay na rin sa kahilingan ng marami kaugnay sa pagbabawal ng riding-in tandem sa motorsiklo.
Ayon kay Soriano, idinulog din ito ni Balao sa IATF national subalit sinabihan siya na hindi pwede na pagbigyan maging ang mag-asawa na sumakay sa isang motorsiklo upang maipatupad pa rin ang social distancing.