TUGUEGARAO CITY- Inaanyayahan ni Fr. Gary Agcaoili ang lahat ng magsasaka sa Solana, Cagayan para dumalo sa isasagawang pulong bukas.
Sinabi ni Agcaoili na layunin ng pulong na mapag-usapan ang epekto ng mababang presyo ng palay na nakakaapekto na sa kita ng mga magsasaka at maging sa ekonomiya ng Solana.
Ayon kay Agcaoili, inimbitahan din sa pulong ang Department of Agriculture, National Food Authority, TESDA , dealers, traders at mga millers ng palay.
Sinabi ni Agcaoili na layunin din ng pulong na makahanap ng solusyon para matulungan ang mga magsasaka dahil sa halos wala na silang kita sa pagbebenta nila ng kanilang produktong palay.
Ayon kay Agcaoili, ang presyo ng sariwang palay ngayon sa Solana ay P11-12 kumpara nitong nakalipas na taon na P16 habang ang dry good naman ay P15-16 na lang kumpara sa P22 nitong 2018.
Isasagawa ang pulong sa gym sa Centro, Solana