Pitong (7) magsasaka mula sa Lagos, Santa Maria, Flora ang makikinabang sa contract farming ng NIA apayao, ito ay matapos mapili ang Maria Irrigators Association (IA) bilang mga benepisyaryo.
Bahagi ng palay yield mula sa contract farming ay ibebenta sa halagang P29/kg sa mga piling kadiwa outlet.
Layunin ng Contract Farming Program ng NIA na magbigay ng mga benepisyo sa mga magsasaka. Sa pamamagitan ng mga kasunduan sa pagitan ng mga magsasaka at NIA, nilalayon ng programa na bumuo ng isang mas predictable at secure na produksyon sa agrikultura
Ang contract-farming ay isang sistema ng produksyon at marketing/procurement kung saan ang mga prodyuser ay sumasang-ayon na magtanim ng isang pananim (produce) sa isang paunang napagkasunduang presyo sa merkado.
Samantala, sa taong ito mayroon nang 9 na Irrigators’ Association na kabilang sa contract farming program sa NIA-Apayao Irrigation Management na may kabuuang 250 ektarya ng palayan.