Pupulungin ng Provincial Agriculture ang mga magsasaka sa lalawigan ng Kalinga sa darating na October 23 kaugnay sa tulong ng pamahalaan mula sa pondo ng Rice Competitiveness Enhancement Fund o ang taripa ng imported na bigas ngayong 2019.

Tugon ito ng Provincial Agriculture sa isinagawang kilos protesta ng mga magsasaka na pinangunahan Bantay Bigas Group, kahapon hinggil sa patuloy na pagbagsak ng presyo ng palay.

Una rito sinabi ni Cathy Estavillo, tagapagsalita ng grupo na bukod sa bigas ay problema rin ngayon ng mga magsasaka sa lalawigan ang napakamurang bentahan ng mais na nagkakahalaga lamang sa P8/kilo na iniuugnay sa isyu ng African Swine Fever.

Problema rin ng mga magsasaka ang irigasyon kung kaya isang beses lamang sila magtanim sa isang taon dahil umaasa lamang sila sa tubig ulan.

Hiniling din ng mga ito ang ang pagpapababa ng gastos ng mga magsasaka sa produksiyon at pagtaas sa presyo ng kanilang produkto na sa kasaliukuyan ay kabaliktaran ang nangyayari.

-- ADVERTISEMENT --

Ang Lalawigan ng Kalinga ay tinaguriang rice granary sa Cordillera region.

Bukod sa Provincial Agriculture, nagsagawa rin ng rally ang nasa 300 magsasaka sa National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) upang ipahayag ang pagtutol ng grupo sa pagtatayo ng dam at proyektong pagmimina na nakakaapekto sa kanilang kabuhayan.