Ikukulong umano sa high security o “supermax” prison facility sa Occidental Mindoro ang mga mahahatulan sa mga maanomalyang flood control projects.

Ito ang isiniwalat ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Pio Catapang Jr. kagabi sa simula ng tatlong araw na jail congestion summit na isinasagawa sa Manila.

Sinabi ni Catapang na halos tapos na ang mga ginagawang renovations at pagpapaganda sa mga pasilidad ng Sablayan Prison and Penal Farm (SPPF) sa Occidental Mindoro.

Idinagdag pa niya na kabilang sa mga ikukulong sa SPPF ang mga mahahatulan sa karumal-dumal na krimen.

Kasabay nito, sinabi ni Catapang na bubuksan ng BuCor at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa susunod na buwan ang joint prison facility sa Palayan City, Nueva Ecija.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon sa kanya, ang joint facility sa 60-hectare property ay ibinigay ng pamahalaang panlalawigan ng Nueva Ecija, at kayang magbahay ng 3,000 persons deprived of liberty (PDLs).

Umaasa si Catapang na sa pamamagitan ng regionalization, magkakaroon ang pamahalaan ng unified prison facility sa bawat probinsiya.