TUGGUEGARAO CITY- Hindi umano dumaan sa Quality Assurance Division ng Department of Education ang 39 na mga mali sa modules ng mga mag-aaral na nag-viral sa social media.

Sinabi ni Leila Areola, Bureau of Learning Delivery Director ng DepEd Central Office, sa kanilang ginawang imbestigasyon ang mga nasabing maling modules ay locally developed, gawa ng mga guro at ibang sources.

Dahil dito, sinabi ni Areola na bumuo sila ng isang grupo na tututok sa mga sablay na mga modules.

Kasabay nito, sinabi niya na sa mga nasabing maling mga modules ay walang galing sa DepEd Region 2.

Sinegundahan naman naman ito ni Octavio Cabasag ng Deped Region 2.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon sa kanya, lahat ng kanilang mga locally developed na mga modules ay dumaan sa quality assurance ng kanilang tanggapan.

Kaugnay nito, sinabi naman ni DepEd Asst. Secretary Salvador Malana III na bagamat inasahan nila ang ganitong mga concerns kaugnay sa mga self learning materials ay bukas ang ahensiya para sa anomang tulong para maihatid ang de kalidad na edukasyon sa mga mag-aaral ngayong panahon ng covid-19 pandemic.