Nagpaligsahan sa pagluluto gamit ang ube bilang pangunahing sangkap ang mga mamamayan ng quirino sa isinagawang kauna-unahang culinary competition na tinawag na “Ubelicious” bilang bahagi ng Panagdadapun 2024 sa provincial gymnasium, Cabarroguis, Quirino.
Ang mga kalahok ay binubuo ng mga professionals, amateurs at students.
Gumawa sila ng mga putahe ng Ube, tulad ng ube churros, ube macapuno rolls, ube siomai, sizzling ube sisig at iba.
Layunin ng kompetisyong ito na matulungan ang mga magsasaka na maipakilala ang ube products ng probinsiya.
Sa student category, ang champion ay ang kinatawan ng Saguday habang ang 1st runner-up ay ang Nagtipunan.
Sa amateur category, ang champion ay ang kinatawan ng Cabarroguis, at ang 1st runner-up ay ang Nagtipunan.
Sa professional category, ang champion ay ang Maddela at ang 1st runner-up ay ang bayan ng Aglipay nakatanggap ng 10,000 pesos ang mga champion habang ang 2nd placers ay nakatanggap ng 7,000 pesos, ang mga 3rd placers ay nakatanggap ng 5,000 pesos, at ang consolation prize ay 4,000 pesos.