Nanawagan ang mga mambabatas ng South Korea ng impeachment laban kay Pangulong Yoon Suk Yeol matapos na ideklara ang martial law at agad na binawi matapos ang ilang oras, na nagpasiklab ng political crisis sa loob ng ilang dekada sa ika-apat na largest economy sa Asia.
Nagbunsod ng standoff sa parliament ang hindi inaasahan na deklarasyon na tinaggihan ang pagtatangka na ipagbawal ang political activity at i-censor ang media, nang lumusob ang tropa ng pamahalaan sa National Assembly building sa Seoul.
Sinabi ng koalisyon ng mga mambabatas mula sa opposition parties na plano nilang isulong ang panukala na isailalim sa impeachment si Yoon ngayong araw na ito na pagbobotohan sa loob ng 72 oras.
Kaugnay nito, sinabi ng presidential official na nag-alok ng pagbibitiw sa kanilang puwesto ang chief of staff ni Yoon at iba pang senior secretaries.
Una rito, sinabi ni Yoon sa TV address na kailangan ang martial law upang depensahan ang kanilang bansa mula sa nuclear-armed North Korea at pro-North anti-state forces, at protektahan ang kanilang malayang constitutional order, bagamat wala naman siyan tinukoy na partikular na mga banta.
Nagkaroon ng kaguluhan nang umakyat ang mga tropa ng pamahalaan sa parliament building sa pamamagitan ng mga binasag na mga bintana at may lumipad na mga helicopters.
Sinabi ng militar ipagbabawal ang mga aktibidad ng parliament at political parties, at ang media at publishers ay isasailalim sa kontrol ng martial law command.
Subalit, makalipas ang ilang oras ng deklarasyon, ipinasa ng parliament ng South Korea ang mosyon na humihiling na tanggalin ang martial law.
Dahil dito, binawi ni Yoon ang kanyang deklarasyon ng martial law.
Nagdiwang naman ang mga protesters sa labas ng National Assembly.
Inaasahan ang mas maraming protesters ngayong araw na ito, dahil plano ng pinakamalaking union coalition ng bansa, ang Korean Confederation of Trade Unions na magsagawa ng rally sa Seoul at hindi sila titigil sa strike hanggang sa magbitiw sa puwesto si Yoon.