Tinukoy ng mga mananaliksik ang climate change bilang pangunahing dahilan ng mapaminsalang baha sa Nepal at Tibet na ikinasawi ng mahigit 1,300 na katao matapos maitala ang hindi pangkaraniwang mataas na temperatura bago gumuho ang isang glacier.

Dahil dito, nagsumite ang Nepal ng pormal na kahilingan sa UN Loss and Damage Fund para sa tulong-pinansyal upang matugunan ang pinsalang dulot ng baha, kabilang ang pagbibigay ng ebidensya na may kaugnayan ang sakuna sa krisis sa klima.

Nanawagan naman si Nepal Foreign Minister Shisir Khanal sa mga bansang may pinakamalaking greenhouse gas emissions tulad ng China at India na tanggapin ang kani-kanilang responsibilidad sa naturang kalamidad.

Samantala, sa isang panayam ng Star FM Bacolod kay Judy Pangani, Bombo International Correspondent sa Nepal, ibinahagi nito ang kaniyang naging karanasan sa kasagsagan ng nakamamatay na pagbaha.

Ayon kay Pangani, bagamat nag-panic siya sa gitna ng sakuna ay inuna pa rin niya ang seguridad at kaligtasan ng kaniyang mga anak.

-- ADVERTISEMENT --