Tuguegarao City- Nagbabala ang Department of Labor and Employment (DOLE) Region 2 sa mga employers kaugnay sa mahigpit na pagpapatupad ng mandatory na pagsusuot ng face shield at face mask ng kanilang mga empleyado.

Ito ay kasunod ng ibinabang memorandum circular na nag-aatas na paigtingin ang mahigpit na pagsunod sa mga panuntunan kontra COVID-19.

Sa panayam kay Chester Triniad, tagapagsalita ng DOLE Region 2, magsasagawa sila ng surprise inspection sa mga tanggapan upang matiyak na nasusunod ang nasabing kautusan.

Sakali aniyang may mga makikitang establishimento na lumalabag ay mapapatawan ng temporary closuse hanggang sa sila ay makasunod sa alituntunin.

Sinabi ni Trinidad na kabilang pa sa guideline ang tiyakin ang “proper work rotation and scheduling” ng lahat ng empleyado para sa magandang mental capacity ng isang nagtatrabaho.

-- ADVERTISEMENT --

Nakapaloob din sa guideline ang pagkakaroon ng empleyadong may kakayahang panagsiwaan ang health and safety ng mga manggagawa.

Hinikayat pa ni Trinidad ang lahat ng employer na basahin ang mga ibinababang panuntunan upang makaiwas sa mga violations at mapanatili ang kaligtasan ng lahat laban sa COVID-19.