Nanawagan ang isang grupo ng mga manggagawa kay Senate President Francis Escudero na gawing prayoridad na ipasa ang nakabinbin na wage hikes at iba pro-workers na mga panukalang batas.
Sinabi ni Federation of Free Workers (FFW) president Sonny Matula na umaasa sila na gagawin ito ni Escudero dahil matagal na niyang adbokasiya ang pagsusulong sa kapakanan ng mga manggagawa.
Umapela siya kay Escudero na kumbinsihin si House Speaker Martin Romualdez na pabilisin ang pagpasa ng wage recovery hike sa kamara.
Kasabay nito, sinabi ni Matula na handa ang FFW na makipagtulungan sa Senado at iba pang mambabatas upang makamit ang makabuluhan na pagbabago para sa mga manggagawa.
Ang panawagan ni Matula ay sa gitna ng babala ng mga employer at iba pang business groups laban sa legislated wage hikes, at nanawagan ang mga ito sa pamahalaan na sumunod sa mekanismo na nakapaloob sa batas sa pagtatakda ng sahod, sa pamamagitn ng tripartite wages at productivity boards.