Nagpahayag ng pagkabahala ang mga mangingisda mula sa Zambales dahil sa lapit ng mga barko ng China Coast Guard sa pampang ng Masinloc, Zambales.

Ayon kay Leonardo Cuaresma, pangulo ng New Masinloc Fisherman’s Association, nasa 30 nautical miles na lamang ang layo ng mga CCG mula sa pampang ng Masinloc.

Aniya, papalapit na nang papalapit ang mga ito at natatanaw na nila.

Sinabi Cuaresma na pinagbabawalan sila ng CCG na mangisda sa Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal na sakop ng West Philippine Sea (WPS).

Nabatid na hindi na pumupunta sa Bajo de Masinloc ang mga ­mangingisda dahil sa ginagawang pangha-harass at panggigipit ng China.

-- ADVERTISEMENT --

Paliwanag ni Cuaresma, dati rati ay nakakaabot sila malapit sa triangular colar reef formation ­subalit ngayon ay nasa 100 milyahe ang layo nila.

Napag-alaman na si­mula Hunyo 15 mas dumami ang mga nagpapatrolyang CCG sa Bajo de Masinloc.

Kumukuha na lamang sila ngayon ng pagkakataon upang makapangisda.