TUGUEGARAO CITY-Pinag-aaralan na umano ng mga stakeholders ng Magat reservoir ang muling pagpayag sa mga mangingisda na magpatayo ng fish cages sa Magat river.

Ayon kay outgoing National Fisherfolk Director Alexander Agra, ito’y matapos mapag-usapan sa committee na nakatutok sa pangangalaga sa Magat dam ang muling pagbibigay ng livelihood sa mga mangingisda sa nasabing ilog at ilang bahagi ng Magat dam.

Paliwanag ni Agra na dati na umanong pinagbawalan ang mga mangingisda na magpatayo ng sariling fish cage dahil sa labis na pagkasira ng mga resources sa loob ng Magat dam.

Subalit,sinabi niya na dapat na may itatakdang lugar na paglalagyan ng mga fish cages.

-- ADVERTISEMENT --