TUGUEGARAO CITY-Umaabot sa P100,000 ang halaga ng 28 panabong na manok na tinangay ng mga hindi pa nakilalang kawatan sa bayan ng Piat, Cagayan.

Kinilala ang may-ari na si Concon Casibang, residente ng Barangay Bauang.

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni PMSgt. Arnel Basiuang ng PNP Piat na nadiskubre na lamang ng biktima na nawawala na ang kanyang mga alagang manok noong bandang alas 6:00 ng umaga noong July 28.

Sa imbestigasyon, lumalabas na pumasok ang nasa dalawa hanggang tatlong kawatan sa nakabukas na gate sa harap ng farm at sinira ang net na bakod ng kulungan ng manok.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi ni Basiuang na may persons of interest na ang pulisya nasabing pagnanakaw.