Hinikayat ng Philippine Commission on Women (PCW) ang mga “marites” na gamitin ang kanilang oras sa pagsusumbong ng mga pang-aabuso sa mga kababaihan sa mga awtoridad sa halip na magpakalat ng mga tsismis.

Sinabi ni PCW Chairwoman Ermelita Valdevilla, dapat na gawing positibo ang “marites” culture sa gitna ng kakulangan no limitadong reports sa mga karahasan laban sa mga kababaihan.

Ang “marites” ay tumutukoy sa mga tsismosa at tsismoso, karamihan mga kababaihan sa komunidad na tinatawag nila ang isa’t isa na “mare” at pinag-uusapan ang mga tsismis.

Ayon kay Valdevilla, ang karahasan laban sa mga kababaihan ay isang public crime at dapat na isinusumbong ito sa mga awtoridad sa halip na itago at pag-tsismisan.

Sinabi niya na kung may makita naq babae na binubugbog sa inyong harapan ay maaaring makialam sa paraan na hindi mailalagay sa panganib ang iyong sarili.

-- ADVERTISEMENT --

Gayuman, sinabi ni Valdevilla na kailangan na may protocols na magpapahintulot sa sa publiko na makialam at isumbong ang mga kaso ng mga pang-aabuso sa mga kababaihan.

Sinabi niya na batay sa data ng PNP, isa sa 10 na kaso ng violence against women ang isinusumbong sa mga awtoridad, lalo na at ang ilang biktima ay nahihiya o mas pinipili na itago na lamang ang issue sa kanilang pamilya.