TUGUEGARAO CITY-Pinayuhan ng Department of Agriculture Region 2 ang mga magsasaka lalo na ang mga nasa upland na huwag munang magtanim lalo na ng palay sa kabila ng naranasang ilang pagbuhos ng ulan.

Sinabi ni Ernesto Guzman, focal person for rice program ng DA Region 2 na tiyak na hindi tutubo ang mga itinanim na palay kung walang kahit hanggang tatlong beses na pag-ulan.

Sinabi pa ni Guzman na wala namang problema sa mga lowland areas dahil sa hinihintay lang ang patubig mula sa National Irrigation Administration o NIA.

Sa katunayan, sinabi ni Guzman na pagkatapos ng election period ay magsisimula na silang mamamahagi ng mga seeds sa mga magsasaka upang maisabay ito sa pagpapalabas naman ng tubig ng NIA.

Idinagdag pa ni Guzman na kasabay ng pamimigay ng mga seeds ay ang pagtuturo sa mga magsasaka sa pagtatanim sa mga ito dahil sa hydbreed ang kanilang ibibigay.

-- ADVERTISEMENT --