TUGUEGARAO CITY-Sinampahan na ng kasong 11 counts of attempted murder ang 12 miembro ng pinaghihinalaang New People’s Army na sangkot sa ambush sa mga tauhan ng Marines Battalion Landing Team sa Gattaran,Cagayan nitong buwan ng Marso.

Sinabi ni Lt.Col.Fidel Macatangay,commanding officer ng MBLT 10 na sa prosecutors office ang kaso laban kina Joey Pasion ng Baggao,Francisco Reyes ng Sta.Ana,Estelito Valencia ng Amulung, Allan Rey Balanay ng Sta.Ana,Christina Magistrado, Dominador Javier ng Baggao,Bernardo Pardian ng Baggao,Greg Somera ng Gattaran,Joyce Sucapen,Gerald Christian Mercado at Mylene Mendez.

Ayon kay Macatangay na ang mga nasabing pangalan ay batay sa imbestigasyon ng PNP.

Matatandaan na wala namang nasaktan sa pagsabog ng landmine at pagpapaputok ng baril ng mga umano’y mga rebelde

Samantala,muling nagbabala si Macatangay sa mga pulitiko na makikipag-ugnayan sa mga NPA ngayong panahon ng halalan.

-- ADVERTISEMENT --

Binigyan diin niya na kung may mahuhuli sila sa akto na mga pulitiko na may ugnayan sa mga NPA ay kalalagyan umano ang mga ito.

Ayon sa kanya, hindi kailanman matatahimik ang bansa kung patuloy na may mga opisyal at mga pulitiko na tumutulong sa mga rebeldeng grupo.