TUGUEGARAO CITY- Nasa pangangalaga ng militar ang mga pampasabog at iba pang malalakas na uri ng armas sa nadiskubreng armas cachet sa Gattaran, Cagayan.

Sinabi ni Major Jekyll Julian Dulawan ng 5th Infantry Division, isang residente sa Brgy. Mabuno ang nagturo sa kinalalagyan ng arms cachet.

Laman nito ang m16 rifle, apat na shotgun, grenade rifle, apat na bala ng mortar, mga granada, maraming bala, blasting caps para sa IED handheld radio at ammonium nitrate na ginagamit sa paggawa ng mga pampasabog na nakalagay sa plastic tube.

May nakuha din na watawat ng NPA at mga propaganda leaflets at mga damit pambabae.

Sinabi ni Dulawan na posiblebleng ang Eastern Committee ng Komiteng Probinsiya ng Cagayan ang nagtago sa mga nasabing armas at pampasabog.

-- ADVERTISEMENT --

Matatandaan na una may nadiskusbre din kamakailan na arms cachet sa San Mariano, Isabela na itinago rin umano ng mga NPA.