Pinayuhan ng Department of Public Works and Highways ang mga motorista na papasok at palabas ng Upper Tanudan, Kalinga na dumaan sa alternatibong ruta kasunod ng pagguho ng bahagi ng pambansang lansangan sa Sitio Mateled, Brgy Mabaca, Tanudan.

Ito ay dahil nananatiling nakasara sa mga motorista ang Tabuk-Banawe via Tanudan-Barlig road matapos ang pagguho ng lansangan dulot ng mga pag-ulan sa lugar.

Ayon kay Engr. Teodoro Owek ng DPWH-Kalinga, nasa 20 hanggang 30 metro ang bumigay na kalsada kung saan nasa limang barangay ang apektado.

Sinabi ni Owek na pwedeng gamitin ng mga motorista ang Calaccad-Pangol-Gombowoy Provincial road.

Naglagay na rin ang DPWH ng mga warning signs sa naturang ruta.

-- ADVERTISEMENT --