TUGUEGARAO CITY- Umaalma ang isang grupo ng mga motorista sa crackdown sa mga gumagamit ng LED lights.

Binigyan diin ni John Allam, regional coordinator ng Bantay Bayan Riders Association of the Philippines na hindi naiintindihan ng mga otoridad na nagpapatupad sa PD 96 ang laman ng nasabing batas.

Ayon kay Allam, nakasaad dito na hindi ipinagbabawal ang paggamit ng LED lights sa mga motorsiklo sa halip ay may limitasyon lamang.

Sinabi niya na hindi dapat na lalampas sa anim na bulb ang nasa isang panel ng LED light ang gagamitin sa motorisklo.

-- ADVERTISEMENT --

Bukod dito, may oras o pagkakataon kung kailan dapat na gamitin ang LED lights ng motorsiklo

Binigyan diin niya na gumagamit ang ilang motorista ng LED lights dahil sa mas maliwanag ito kumpara sa ilaw ng sasakyan.

Kasabay nito, sinabi ni Allam na dapat din na sitahin ang mga kotse at iba pang sasakyan na gumagamit din ng LED lights at hindi lang ang mga motorsiklo.

Ayon sa kanya, mas nakakasilaw ang mga LED lights na ginagamit ng mga kotse o iba pang sasakyan na may apat na gulong.