Tuguegarao City- Inalerto ni Tuguegarao City Mayor Jefferson Soriano ang monitoring team ng lungsod laban sa mga colorum na sasakyang namamasada at naghahatid ng mga indibidwal na mula sa ibang mga lugar.

Ito ay matapos makatanggap ng sumbong na ilang mga residente sa lungsod nagrerenta ng mga namamasadang colorum upang makauwi.

Sinabi pa ni Mayor Soriano na nakakalusot ang ibang mga biyahero dahil sa hindi nila sinasabi ang totoong detalye ng kanilang paglalakbay sa mga checkpoint areas.

Ito din aniya ang nagiging hakbang ng ilang residenteng ayaw sumunod sa mga precautionary measures partikular ang sumailalim sa mandatory quarantine.

Kaugnay nito ay nakipag-ugnayan na ang LGU Tuguegarao sa hanay ng LTFRB, LTO, PNP at iba pang concerned agencies upang imotitor ang galaw ng mga sasakyang pumapasok sa lungsod.

-- ADVERTISEMENT --

Giit pa ni Mayor Soriano, hindi pinagbabawalang umuwi sa lungsod ang sinuman bastat tiyaking sumusunod sa mga panuntunan at isaalang alang ang kaligtasan sa paglalakbay.

Ayon pa sa kanya, kailangan ding isipin ng mga residente ang kanilang kaligtasan dahil sakaling may insidenteng magyari sa gitna ng kanilang paglalakbay ay hindi sila masasagot ng mga nirerentahang colorum na sasakyan.

Gayonpaman ay muling nanawagan ang Alkalde ng kooperasyon sa mga residente sa lungsod upang maiwasan ang paglaganap ng virus na dulot pa rin ng COVID-19.