Aabot sa 355 families o katumbas ng 1,049 individuals ang naapektuhan sa pananalasa ng Bagyong Julian sa Region 2.
Ayon kay Mia Edcel Carbonel information officer ng Office of Civil Defense (OCD) R02, sa ngayon ay nasa siyam na evacuation center parin ang nakabukas na pansamantalang tinitirhan ng 51 families o 163 individuals at posibleng madagdagan pa ito.
Aniya sa ngayon ay nakakaranas parin ng malakas na hangin sa Calayan kaya’t hindi rin nakakapagcoduct ng damage assessement dahil sa lakas ng hangin na nararanasan.
Umaasa naman si Carbonel na hindi na madadagdagan pa ang bilang ng mga ililikas na pamilya.
Samantala,sa panayam ng bombo radyo tuguegarao kay Mylene Attaban social welfare officer ng DSWD R02, sa ngayon ay nasa 153 families na may 427 individuals ang nananatili sa evacuation centers sa rehiyon.
Habang may mga ilan ring turista ang nastranded dahil sa nasabing bagyo kung saan mula dito ang 94 individuals sa Basco Batanes, 3 sa Macato at dalawa naman sa municipalid.