Sumailalim sa stress debriefing o psychological processing ang mga apektadong indibidwal na na-trauma sa nangyaring bakbakan kamakailan sa pagitan ng mga armadong rebelde at kasundaluhan sa Brgy. Lapi, Peñablanca, Cagayan.
Ayon kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Regional Director Lucia Allan, na karamihan sa kanila ay na-trauma pa rin sa insidente kaya mahalagang sumailalim ang mga biktima sa nasabing hakbang para mawala ang kanilang takot lalo na ang mga bata.
Bukod dito ay umabot na sa P4.6M na halaga ng relief items at cash assistance ang naipamahagi sa mahigit 1,700 na pamilya na naapektuhan ng bakbakan.
Samantala, dalawang grupo sa bayan ng Penablañca at Amulung ang nabigyan ng P300K bilang panimulang kapital sa maliit na negosyo na kanilang napili sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program.
Layon ng programa na maiangat ang pamumuhay ng mga mahihirap na Pilipinong kabilang sa conflict vulnerable areas.