TUGGUEGARAO CITY- Obligasyon ng mga may-ari ng mga negosyo na nagsara na ipaalam ito sa Bureau of Internal Revenue.
Sinabi ni Clavelina Nacar, director ng BIR Region 2 na ito ay para maisara din nila ang registration ng negosyante sa kanilang tanggapan at hindi magtutuloy-tuloy ang kanilang computation sa kanilang dapat na bayarang buwis.
Ayon sa kanya, ang kabiguan ng ilang negosyante na bumalik sa kanilang tanggapan para ipaalam na tumigil na ang kanilang negosyo kaya may nakakasuhan ng tax evasion at mas malaki pa dahil sa mayroon na itong penalty.
Kaugnay nito, sinabi ni Nacar na para naman sa mga magbubukas ng kanilang mga negosyo , kailangan na dumaan sa proseso at hindi lamang magtatapos sa pagpapatala sa LGU.
Ayon sa kanya, maraming dadaanang ahensiya ang pagbubukas ng bagong negosyo kabilang na ang BIR.