TUGUEGARAO CITY-Bumaba ang bilang ng mga nahuhuling lumalabag sa ipinapatupad na health protocols nitong buwan ng Hunyo sa lungsod ng Tuguegarao.
Ayon kay Vince Blancad,head ng Public Safety and Security Office (PSSO)-Tuguegarao, dahil sa tuloy-tuloy na pag-implementa sa mga protocols ay bumaba ang bilang ng mga violators sa nakalipas na buwan na umaabot sa 284.
aniya, mula sa nasabing bilang, 236 sa mga ito ay nahuling lumabag sa social distancing, 43 ang walang covid shield control pass, dalawa sa hindi tamang pagsusuot ng face mask at tatlo sa face shield na agad na binigyan ng violation ticket.
Naging epektibo rin ang naging hakbang ng task force disiplina kung saan nakasibilyan ang mga nagbabantay dahil biglang natakot ang publiko.
nabatid na nitong buwan ng Mayo ay nasa 460 violators ang kanilang nahuli na lumabag sa health protocols mas mataas kumpara nitong buwan ng hunyo.
muling nagpaalala si Blancad na panatilihing sumunod sa mga ipinatupad na health protocols para maiwasan na magmulta at magkaroon ng proteksyon laban sa nakamamatay na virus.