TUGUEGARAO CITY- Inihayag ng isa sa mga survivors sa nangyaring pagkahulog ng elf truck sa Conner, Apayao kagabi na ang nakikitang niyang dahilan kaya marami ang namatay ay dahil sa natabunan sila ng lona na takip ng truck at nadaganan ang iba ng mga sako ng rice seeds.
Sinabi ni Godofredo Santos na nagtamo ng fracture sa kanyang kamay na sinikap niya makatayo matapos siyang maipit.
Sinabi naman ni Roland Apolinar na habang umaatras ang sasakyan ay niyakap niya ang mag-ina na may anak na 6 years old.
Samantala, Sinabi ni Rizal Vice Mayor Joel Ruma na ang LGU na ang aako sa lahat ng gastusin sa pagpapalibing ng 18 namatay mula sa Brngy, Lattut.
Bukod dito, sinabi niya na magbibigay din sila ng financial assistance sa pamilya ng mga namatayan at sa mga nasugatan.
Nagpaliwanag din siya kung bakit kinailangan na magpunta pa sa munisipyo ang mga nasabing residente para makuha ang lireng rice seeds na mula sa Department of Agriculture.
Ayon sa kanya, nagkaroon din kasi ng pagpaparehistro sa lahat ng mga magsasaka sa kanyang bayan upang sa susunod na may mga ibibigay na ayuda sa mga magsasaka ay mabilis na lang silang matukoy at madadala na sa kanila.
Sa 19 na namatay ay 18 ang mula sa Lattut, Rizal habang ang isa pa ay ang ang SK chairman ng Allangigan, Conner.
Nabatid na ang mga taga-Apayao ay nakisakay lang sa nasabing elf papuntang Conner dahil bago makarating sa Lattut ay kailangan pang dumaan sa Tuao, Cagayan kung saan sumakay ang mga ito.