Umaabot na sa 150 indibidwal ang nakinabang sa P29 kada kilo ng bigas program na alok ng Cagayan Seeds Producers Multipurpose Cooperative (CSPMC)sa pakikipag ugnayan sa Department of Agriculture Region 2.
Sinabi ni Dumon Mabborang ng CSPMC, na katumbas ito ng mahigit kumulang 1,500 kilos ng bigas ang naibenta sa murang halaga mula sa target na 36,000 kilos ng bigas na maaani sa 10 ektarya.
Target na mabenipisyuhan ang mga indigent senior citizen, solo parent at disabled dito sa sa probinsiya ng Cagayan kung saan ito ang kauna unahang kooperatiba sa Region 2 na nagpatupad ng nasabing programa sa layunin ng pamahalaan na mabigyan ng access sa murang bigas ang mga kababayan.
Bagama’t binabahan ng P29 pesos ang kada kilo ng bigas ay hindi naman umano malulugi ang nasabing kooperatiba dahil ang production cost nito ay nasa P75l-80k at sa nasabing 29 pesos ay nasa mahigit kumulang P104k-105k kung kaya’t mayroon paring kita ang mga ito.
Kapag naubos na aniya ang 36,000 kilos ay babalik na ulit ang mga ito sa P44 kada kilo ng bigas ngunit posible parin na ipagpatuloy ang nasabing programa sa mga susunod na anihan.
Ang nasabing kooperatiba ay mayroong production area na mahigit kumulang 861 hectares at nasa 67 naman ang mga nagsasaka nito.
Bukod dito ay suportado din ng DA ang pagbaba sa mga interventions na makakatulong sa produksiyon ng kooperatiba kabilang na rito ang pamamahagi sa kanila ng binhi, pataba at mga machineries.
Samantala, para naman aniya sa mga nagnanais na makabili ng ganitong murang bigas ay matatagpuan ang pwesto ng mga ito sa Brgy.San Gabriel, Tuguegarao City.