Tuguegarao City- Palaisipan pa rin sa mga residente ng Brgy. Luga, Sta. Teresita ang pagkamatay ng mga alagang pato na walang mga laman loob at dugo.

Sa panayam kay Jodel Agbisit, Brgy. Captain, hindi nila mabatid kung sino ang salarin sa magkakasunod na pagpatay sa mga alagang pato.

Aniya, limang beses na naganap ang insidente at lahat ng mga natatagpuang pato na pagmamay-ari ng iba’t ibang tao ay parepareho ng sanhi ng pagkamatay.

Paliwanag niya na ng unang mangyari ito ay inakala lamang nilang aso ang may gawa ngunit ng nasundan pa at umabot na sa 50 ang bilang ng pinapatay na pato ay naghihinala na sila.

Sinabi niya na may mga residenteng nagsasabi na may kakaibang uri ng tila hayop na humahaba ang dila ang nakikita sa gabi ngunit hindi naman umano nila ,mabatid kung ano ito.

-- ADVERTISEMENT --

Gayonman ay pinayuhan na lamang aniya ang kanyang mga residente na ikulong ng mabuti ang mga alagang hayop upang hindi na masundan pa ang nasabing insidente.