Pormal nang ipinroklama ngayong araw ng Commission on Elections (Comelec) ang nanalong party-list groups sa katatapos lamang na 2025 midterm elections.

Eksaktong alas-3:00 ng hapon kanina nang magsimula ang proklamasyon para sa 54 na party-list groups na pasok sa Kongreso.

Sa talumpati naman ni Comelec Chairman George Garcia, kinumpirma nito na dalawang nanalong party-list ang hindi ipinroklama ngayon dahil sa mga nakabinbing kaso sa poll body.

Ayon naman kay Kabataan Party-list first Nominee Atty. Renee Co, “deserve” welcome sa kanila ang naging desisyon ng poll body na hindi muna iproklama ang Duterte Youth Party-list.

Sa isang pahayag, sinabi ng Duterte Youth na dudulog sila sa Korte Suprema dahil sa umano’y naging grave abuse of discretion ng Comelec.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, naghain naman ng urgent motion to proclaim sa Comelec ang Bagong Henerasyon Party-list para maiproklama pa rin matapos na hindi rin sila isama sa proklamasyon ngayong araw.