Tuguegarao City- Naglabas ng pahayag ang Philippine Embassy sa nangyaring pagsabog sa isang kilalang kainan sa Abu Dhabi.
Ayon kay si Augie Garma, Pinoy Worker na nakabase sa UAE, nakikipag-ugnayan na ang embahada ng Pilipinas sa Abu Dhabi para matukoy kung mayroong Pinoy na nasaktan sa nasabing pagsabog.
Sa kumakalat na video sa social media ay sinasabing may mga nadamay na pinoy sa umano’y gas explosion sa Kentucky Food Chain.
Subalit, kinukumpirma pa umano ito ng pamunuan ng restaurant kung sa kanila nagtatrabaho ang pinoy workers.
Sinasabing rin na posible kasing napadaan ang mga Pinoy sa lugar lalo na at rush hour nang maganap ang pagsabog.
Nakahanda naman umano ang embahada na magbigay ng tulong sa mga kababayan na nasaktan bunsod ng insidente.