Pumalo na sa mahigit 1,300 katao ang nasawi dahil sa labis na init ng panahon sa pagdalo nila sa Hajj pilgrimage.

Ayon sa Saudi government na maaring madagdagan pa ang bilang na 1,301 dahil may ilang mga biktima ang nasa pagamutan pa.

Dagdag pa nila na nasa 83 percent ng mga nasawi ay mga “unauthorized na magsagawa ng Hajj” kung saan naglakad pa ang mga ito ng malayo sa tirik na araw.

Ilan din sa mga nasawi ay may edad na habang ang iba ay may dinaramdam na sakit na.

Bawat pilgrims kasi ay mararapat na makakuha ng lisensya para legal na makapunta sa Mecca kung saan tanging 1.8 milyon lamang ang bilang na kanilang pinayagan.

-- ADVERTISEMENT --

Nagkakahalaga ito ng ilang libong dolyar kung saan ang mga iligal na nagtungo ay hindi sumakay sa mga tour bus na may airconditioning at may tubig at pagkain.