Binigyang-pugay ng Philippine Army ang apat na sundalong nasawi sa pananambang sa Barangay Munai, Lanao del Norte kahapon ng umaga habang ginagampanan ang kanilang tungkulin sa paglilingkod sa bayan at sa mamamayan.

Kinilala ang kabayanihan at sakripisyo nina:

-Staff Seargeant Diosito Araya ng 1st Civil Military Operations Battalion,
-Sergeant Gilbert Arnoza ng 106th Infantry Battalion,
-Sergeant Junel Calgas ng 97th Infantry Battalion,
-at Private Sean Mark Laniton ng 44th Infantry Battalion ng Philippine Army.

Ayon sa Army, ibinuwis ng mga nasawing sundalo ang kanilang buhay upang mapanatili ang kapayapaan at seguridad ng mga komunidad na kanilang pinaglilingkuran.