Hindi umano pinapabayaan ng Philippine Embassy sa Lebanon ang mga natitirang mga Filipino sa nasabing bansa sa gitna ng tumitinding kaguluhan.

Sinabi ni Cristine Joy Bandoy, Bombo International News Correspondent na lagi silang kinukumusta ng mga opisyal ng embahada at sa katunayan ay nagbigay sila ng 200 dollars sa mga nagparehistro na mga OFWs noong October 30.

Bukod dito, sinabi niya na may mga Filipino din na handang tumulong sa mga kapwa Filipino na nangangailangan ng tulong tulad ng pagkain o shelter.

Ayon sa kanya, sa ngayon ay nakaka-survive pa naman siya at ang kanyang pamilya sa isang shelter.

Sinabi niya na babalik na rin sila ng Pilipinas sa susunod na taon.

-- ADVERTISEMENT --

Aniya, ito ay dahil sa naniniwala siya na lalo pang titindi ang labanan sa pagitan ng Israel at Hezbollah.

Kaugnay nito, sinabi ni Bandoy na problema ngayon ng pamahalaan ng Lebanon ang milyon-milyong katao na nawalan ng mga tirahan dahil sa pinapakawalang missiles ng Israel.

Ayon sa kanya, siksikan na ang mga public schools at mga simbahan sa Beirut na ginawang evacuation centers.

Sinabi niya na sinisikap naman ng mga opisyal ng Lebanon na matulungan ang mga ito sa pamamagitan ng paghingi ng tulong mula sa ibang bansa.