TUGUEGARAO CITY- Apektado na rin umano ang ilang nasa milling industry sa Region 2 sa implementasyon ng Rice Tarrification Law.

Sinabi ni Cloyd Velasco, regional director ng Philippine Chamber of Commerce and Industry na may ilang millers na umano ang nag-relocate sa ibang bahagi ng Asia.

Ito ay aniya ay dahil sa pagbaba ng kanilang kita bunsod ng kawalan umano ng interes ng ilang magsasaka na magtanim na ng palay dahil sa mababang presyo ng palay.

Sinabi ni Velasco na kung magpapatuloy ang ganitong sitwasyon ay makakaapekto rin ito sa labor sector.

-- ADVERTISEMENT --
ang tinig ni Velasco

Gayonman, sinabi ni Velasco na dapat na hintayin ang pangmatagalang epekto ng Rice Tartification Law.

Sinabi niya na maaaring sa hinaharap ay mararamdaman din ng mga magsasaka ang magandang epekto ng batas.

Ayon sa kanya, may ginagawa naman ngayon ang pamahalaan upang matulungan ang magsasaka upang maibsan ang epekto ng mababang bilihan na ng kanilang palay.

muli si Velasco