Tuguegarao City- Malaki ang pasasalamat ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Taiwan matapos bawiin ang Travel ban dahil sa banta ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Hilda Banugan, OFW sa Taiwan, nasa mahigit 100 na mga OFWs na pabalik ng taiwan ang naapektohan sa travel ban.
Hindi pa aniya kabilang dito ang mga OFWs na uuwi magbabakasyon sa pilipinas ngunit hindi na pinayagan dahil sa kanselasyon ng flights sa naturang bansa.
Pinuri naman nito ang naging hakbang at tugon ng Taiwan Government hinggil sa naturang sakit dahil tiniyak umano ang mahigpit na pagpapatupad ng mga precautionary measures.
Ayon pa kay Banugan na maayos na ang lagay ng mga OFW sa Taiwan at malaki ang pasasalamat ng mga ito ng bawiin ang travel ban sa naturang bansa.
Sa ngayon ay wala aniyang dapat na ikabahala ang mga kamag-anak ng mga OFW na nasa pilipinas dahil ligtas umano ang mga OFW na nagtatrabaho sa nasabing Bansa.