TUGUEGARAO CITY-Hindi umano apektado ang mga overseas filipino workers sa mga protesta sa Hongkong.
Sa panayam kay Adelfa Magsilao, isang household worker sa Hongkong,pinayuhan sila na iwasan ang mga lugar na may rally sa kanilang day-off.
Sinabi niya na sarado ang halos ng mga establishimento at mga tanggapan sa central dahil sa araw-araw na protesta ng mga mamamayan ng Hongkong.
Ipinoprotesta ng mga Hongkongers ang pagtutol sa China Extradition Bill kung saan ang mga suspek ay pwedeng ipada sa china para doon harapin ang kanilang kaso.