TUGUEGARAO CITY-Ginawaran ng Northern Luzon Command ng medalya ang ilang otoridad dahil sa kanilang sakripisyo at katapangan sa aragang pagresponde sa kasagsagan ng Bagyong Ulysses na nagligtas ng maraming buhay dito sa Rehiyon Dos.

Iginawad mismo nina NOLCOM Commander Lt. Gen Arnulfo Marcelo Burgos Jr. at Cagayan Gov Manuel Mamba ang Bronze Cross Medal sa mga miembro ng AFP bilang pagkilala sa kanilang kabayanihan o “act of heroism in involving risk of life”sa kalagitnaan ng Humanitarian Assistance at Disaster Response Operations matapos humagupit ang bagyong Ulysses sa bansa na nagdulot ng malawakang pagbaha sa probinsya ng Cagayan.

Ilan sa mga nabigyan ng medalya ay sina Lt. Col Rowan Rimas at SSgt Alberto Hugo ng Phil Navy Marines, Major Gilbert Calimag at PFC Pedro Quilang ng Phil Army, Major Llanero Jerry Benabese at SSgt Jerome Domingo ng Phil Airforce.

Nabigyan din ng Disaster Relief and Rehabilitation Operations Ribbon sina Commodore Ruspelio Arthuro Cornelio ng Phil Coast Guard, Lt. Col Rosalinda Callang ng Phil Army Reserved, PLt. Col Jonalyn Tecbobolan, COP PNP Tuguegarao, FCI. Pedro Espinosa, Tug City Fire Marshall at Capt. Mel Jallar ng Phil Army Reserved dahil sa kanilang natatanging pagsasagawa ng Humanitarian Assistance at Disaster Response sa kasagsagan at pagkatapos ng pananalasa ng bagyong Ulysses dito sa probinsiya ng Cagayan.

Nagpasalamat naman si Gov Mamba sa mga miyembro ng Philippine Army dahil bukod sa paglaban sa kampanya kontra insurhensiya at COVID 19 ay nakahanda rin silang tumulong sa mga lugar na hindi napupuntahan ng mga sasakyang kung saan kanilang ginamit ang air asset para rumesponde at nagbigay ng pangangailangan ng mga naapektuhan.

-- ADVERTISEMENT --

Umaasa rin ang Gobernador na kaisa ang mga kasundaluhan para sa kampanya laban sa kurapsyon, illegal logging at illegal quarrying upang hindi na maulit ang nangyaring malawakang pagbaha.

Samantala, tiniyak naman ni Lt Gen Burgos ang tuloy-tuloy na pamamahagi ng tulong para sa mga residente kung saan nakikipag ugnayan ang kanilang tropa sa ibat ibang grupo at organisasyon na nagnanais tumulong upang maiparating kaagad ang mga apektadong residente.

Nakatanggap naman ng Plaque of Recognition si Gobernor Mamba dahil sa tuloy tuloy na suporta nito sa NOLCOM at sa natatangi nitong serbisyo lalo na sa panahon ng kalamidad.

Maging ang Coast Guard District Northeastern Luzon, 201st Regular Reserved Infantry Battalion, Tug City PS, BFP Tug at Tactical Operation 2, Tactical Operations Wing Northern Luzon habang kay 5th Infantry Division Phil Army Commander MGen Laurence Mina naman ay nakatanggap ng Plaque of Merit dahil sa pangunguna nito ng matagumpay na Humanitarian Assistance at Disaster Response sa kanilang Area of Responsibility.

Plaque of Appreciation naman ang natanggap nina Gen Gilbert Gapay at Lt Gen Arnulfo Marcelo Burgos Jr ng Phil Army dahil sa kanilang pagsasagawa ng Search and Rescue Operations. with reports from Bombo Efren Reyes Jr.