Sarado pa rin ngayon ang mga paaralan at mga tanggapan sa Taiwan dahil sa pananalasa ng Typhoon Krathon bago ang inaasahang landfall nito na nag-iwan ng dalawang patay at mahigit 100 ang sugatan.
Ayon sa Central Weather Administration (CWA), may lakas na hangin ang bagyo na 126 kilometers at pabugso na hanggang 162 km/h at namataan ito sa 40 kilometers southwest ng timog Kaohsiung.
Dala ng bagyo ang malalakas na ulan at hangin.
Kabilang sa mga namatay ang isang 70 years old na lalaki na nahulog habang pinuputol niya ang isang puno sa eastern Hualien at isang 66 years old na lalaki bumangga ang kanyang sasakyan sa isang malaking bato hanggang sa mahulog ito.
Nagdulot din ng matinding trapiko ang bagyo, suspendido ang lahat ng domestic flights, at walang kuryente ang nasa 55,000 na tahanan.