TUGUEGARAO CITY-Ikinababahala ng mga overseas Filipino Workers sa South Korea ang mabilis na pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19) na dahilan ng pagsara ng ilang pagawaan doon.

Ayon kay Chat Dimaano, factory worker sa South korea at tagapagsalita ng Katipunan ng mga Samahan ng Manggagawang Pilipino sa South Korea (KASAMA KO), malaki ang impak sa ekonomiya ng South Korea ang mabilis at pagdami ng apektado ng virus dahil nagsasara na ang mga karamihan sa mga establishimento.

Aniya, ipinagbabawal na rin ng South Korean government ang anumang magtitipon tulad ng rally o malalaking event para maiwasan ang magkahawaan sa virus.

Dahil dito, madami na sa mga OFWs sa naturang bansa ang nawalan at mawawalan pa ng trabaho dahil sa naturang virus na labis na ikinababahala ng kanilang grupo.

Tinig ni Chat Dimaano

Samantala, tanong umano ng mga OFWs sa South Korea kung kailan magpapadala ng face masks ang gobyerno ng Pilipinas sa kanila dahil sa ngayon ay pahirapan na ang pagbili nito doon.

-- ADVERTISEMENT --

Aniya, buti pa umano ang embahada ng Indonesia roon nakapagbigay na ng face masks sa mga manggagawang residente nila na nasa south korea samantalang ang Pilipinas ay walang agarang aksyon.

Tinig ni Chat Dimaano

Nagbigay naman aniya ng mandato ang South Korean government na tumawag o magtext sa numerong ibinigay nila kung may nararamdamang sintomas ng virus para agad silang kukunin ng kanilang ambulansiya at isasailalim sa quarantine kung saan gagamutin din ng libre.