
Patuloy na maasa ang mga pamilya ng mga biktima ng war on drugs na makukumpirma ng International Criminal Court (ICC) Pre-Trial Chamber I ang mga kasong crimes against humanity laban kay dating pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ay matapos tanggihan ng ICC Appeals Chamber ang apela ni Duterte na kumukuwestiyon sa hurisdiksyon ng korte.
Dahil dito, mas lumakas ang pag-asa ng mga biktima na uusad ang kaso.
Ayon kay Gilbert Andres, isa sa mga legal representative ng mga biktima, hindi umano nasagot nang maayos ng kampo ni Duterte ang mga argumento ng prosekusyon at ng panig ng mga biktima.
Noong Pebrero, natapos ng Pre-Trial Chamber ang pagdinig para sa confirmation of charges kaugnay ng mga kasong pagpatay at tangkang pagpatay na sinasabing nangyari noong si Duterte ay alkalde ng Davao at kalaunan ay naging pangulo.
Inaasahang maglalabas ng desisyon ang korte kung sa sandaling makumpirma ang mga kaso at itutuloy ang paglilitis, ihihinto ang proseso, o mag-uutos ng karagdang imbestigasyon.
Ayon kay Andres, may hanggang Abril 30 ang Pre-Trial Chamber I para magdesisyon.
Kung makukumpirma ang mga kaso, posibleng magsimula ang paglilitis sa susunod na taon.
Dagdag pa niya, ang paghahanda para sa trial ay maaaring tumagal mula anim na buwan hanggang isa’t kalahating taon, kaya’t patuloy nilang pinamamahalaan ang inaasahan ng publiko habang hinihintay ang desisyon ng ICC.









