Tugeugarao City- Umabot sa 494 na pamilyang katumbas ng 1,703 katao ang inilikas mula sa 15 municipalidad mula sa mga probinsya ng Cagayan, Isabela, Quirino at Nueva Vizcaya.

Sa panayam kay Michael Conag, tagapagsalita ng OCD Region 2, ito ay sanhi pa rin ng pagbahang dulot ng bagyong Pepito.

Kabilang sa mga apektado rito ay ang isang bayan mula sa Cagayan, 9 sa Isabela, tatlo sa Quirino at dalawa sa lalawigan ng Nueva Vizcaya.

Ayon kay Conag, may pagguho ng lupa sa bahagi ng Kasibu, Ambaguio at Cayapa sa Nueva Vizcaya kung saan patuloy pa rin ang clearing operation.

Hindi rin madaanan ang Baculod at Cabisera 8 Overflow Bridge sa Ilagan City, Cansan Overflow Bridge sa Cabagan, Mozzozzin Sur, Alicao-cao, Cauayan City, Gucab at Annafunan Overflow Bridge sa Echague, Sto. Domingo, Sinaoangan Norte Overflow Bridge at Masaya Sur Overflow Bridge sa Quirino

-- ADVERTISEMENT --

Sa ngayon ay patuloy naman ang monitoring at pakikipag-ugnayan ng OCD Region 2 sa mga concerned agencies upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente sa mga apektadong lugar.