Inihayag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na prayoridad nila ang pagtaas sa pasahe sa mga bus, sa gitna ng mga panawagan para sa taas-pasahe para sa public utility vehicles (PUVs).

Sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro, kasalukuyan ngayon ang mga pagdinig para matukoy kung aaprobahan ang mga petisyon para sa dagdag pasahe.

Ayon kay Castro, sinabi ng LTFRB na hindi pa umano napananahon para sa dagdag pasahe sa mga jeepney operators at drivers, dahil mayroong provisional fare increase sa halagang isang piso.

Idinagdag pa ni Castro na batay sa naging pahayag ng LTFRB, hindi ang fare hike ang pangunahing panawagan ng mga jeepney operators at drivers, kundi ang labanan ang mga kolorum.

Dahil dito, sinabi ni Castro na ang prayoridad ng LTFRB ay ang fare hike sa mga bus dahil wala silang temporary fare hike.

-- ADVERTISEMENT --