Nagsasagawa na ng assessment ang pamahalaang lokak na Batanes sa pinsala na iniwan ng bagyong Carina.
Sinabi ni Justinne Jerico Socito, administrator at information officer ng Batanes Operastions Center na batay sa pagtaya ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office, maraming tanim na mga gulay at palay ang natumba bunsod ng malakas na hangin.
Ayon sa kanya, umiikot na ang ilang tauhan ng PDRRMO at Provincial Agrilculture Office upang tignan kung pwede pang maisalba ang ilang pananim na napinsala ng sama ng panahon.
Sinabi ni Socito na hindi naman kalakasan ang ulan sa lalawigan maliban lamang sa pabugbugsong lakas ng hangin.
Idinagdag pa niya na pinairal ang no sail policy bunsod ng malalakas at matataas na alon.
Samantala, sinabi ni Socito na 118 na turista ang straded ngayon sa Batanes.
Ayon sa kanya, humiling na rin sila ng karagdagang flight mula sa isang airline company upang maisakay ang lahat ng mga stranded sa sandaling bumuti na ang panahon.
Sinabi niya na hanggang bukas pa ang abiso ng kanselasyon ng mga flights papasok at palabas ng Batanes.