Nabalot ng yelo ang ilang pananim at gulay sa Madaymen, Kibungan sa Benguet kasunod ng malamig na temperatura nitong Sabado ng umaga, Marso 14.

Makikita sa mga larawang ibinahagi ni Stephanie Digmayo-Maki sa Facebook ang hilera-hilerang pananim na nabalot ng yelo.

Ayon sa PAGASA, bumagsak sa 7.5°C ang temperatura sa La Trinidad, Benguet ngayong araw, ang pinakamababang naitala ngayong amihan season.

Samantala, umabot naman sa 9.0°C ang temperatura sa Baguio City, na unang beses umano sa loob ng 23 taon na mas mababa sa 10°C ang naitalang temperatura sa buwan ng Marso.

Inaasahan namang ito na ang huling surge ng northeast monsoon o amihan bago tuluyang pumasok ang mainit at dry season sa mga susunod na linggo.

-- ADVERTISEMENT --