Naglabas na ng guidlines ang Pamahalaang Panlungsod ng Tuguegarao kaugnay sa mga ipatutupad na hakbang sa ilalim ng alert level 2 kung saan kasama dito ang lungsod at ang buong probinsya ng Cagayan.

Sa public press briefing, tinalakay ang mga panuntunang ilalatag para sa transission ng alert level system mula sa quarantine classification status.

Pinagtibay sa pamamagitan ng inilabas na Executive Order ni Mayor Jefferson Soriano na sa ilalim ng Alert level 2 ay pinapayagan na pagsasagawa ng social gatherings tulad ng meetings, conferences at exhebition sa mga hotels at iba pang convention centers.

Pinapayagan na rin ang pagdiriwang ng birthday, kasal, anniversaries at iba pang okasyon sa mga hotels at ibang venues kahit kasama ang hindi miyembro ng pamilya.

Sa ilalim nito ay papahintulutan na rin ang pag-operate ng mgatourist attraction, recreational venues tulad ng resorts, cinemas at maging ang dine in services sa mga restaurants kasama ang pagbubukas ng mga beauty salon, spa, fitness gym at iba pa.

-- ADVERTISEMENT --

Pinapahintulutan na rin ang limited face to face para sa mga nasa higher eductaion at vocational training centers ngunit ito ay dadaan pa rin sa pag-apruba ng CHED at ng pangulo ng bansa.

Mayroon pa ring capacity restrictions sa mga ito kung saan sa mga establishimentong pinapayagang magbukas sa indoor capacity venues ay hanggang 50% lamang at kinakailangang bakunado ang lahat ng mga dadalo at sa mga outdoor capacity venues naman ay hanggang 70%.

Gayonman, kung maaabot naman ng lungsod ang 70% target na dapat mabakunahan ay binigyang pahintulot ng IATF na dagdagan pa ng 20% ang 50% outdoor capacity ng mga establishimento habang karagdagang 10% capacity naman para sa mga establishimentong safety seal certificate awardee.

Sa mga kawani ng gobyerno ay magpapatupad din ng full operation capacity ngunit dapat masunod ang capacity restrictions na at least 50% onsite capacity at 50% work from home arrangement.

Hindi naman pinapayagang lumabas ang mga batang edad 12 pababa maliban sa emergency situations habang ang mga edad 12-17 ay papayagan basta’t fully vaccinated kasama ng kanilang guardian na fully vaccinated din at dapat ay sa mga establishimentong safety seal compliat lamang ang dapat puntahan.

Iiral ang curfew 12 midnight hanggang alas 4 ng umaga para sa adult population habang sa mga menor de edad naman ay 10pm- 5am.

Hindi na rin mandatory ang pagsusuot ng face shield ngunit para sa mga nasa ilalim ng granular lockdown, nagtatrabaho sa healthcare establishments, quarantine facilities ay dapat itong ipatupad.

Maaaring mamasada ang mga tricycle na may ending no. na 1,2,3,4 lunes hanggang martes, ang may ending na 5,6,7 ay sa araw ng miyerkules at huwabes habang ang 8,9,0 ay mula biyernes hanggang linggo at limitado lamang sa dalawang pasahero ang dapat isakay.

Papayagan din ang magka-angkas na hindi magkasama sa iisang bahay basata’t sila ay fully vaccinated.

Ang mga galing sa ibang probinsya o rehiyon na bakunado ay kinakailangang mag register sa contact tracing app na s.pass.ph bago makapasok sa lungsod bilang at ipakita lamang ang vaccination card.

Kakailanganin naman ng testing requirements tulad ng negative antigen test resut sa loob ng 72 hours para sa mga hindi pa bakunadong indibidwal.