TUGUEGARAO CITY- Hindi na pinapapasok ang mga pampasaherong sasakyan dito sa lungsod ng Tuguegarao dahil sa enhanced community quaratine sa buong Luzon na idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Mahigpit ang ginagawang pagbabantay ng mga otoridad sa mga quarantine checkpoints at kung mayroon mang papapasukin ay isinasailalim sila sa thermal scanning.

Bukod sa mga pampasaherong van, pinipigil din ang mga motorista na wala namang importanteng gagawin o transaksyon sa lungsod maliban lang sa mga pasyente na kailangang dalhinl sa mga ospital sa Tuguegarao.

Pinapayagan din na pumasok ang mga nagtatrabaho sa lungsod basta magpakita lamang ng ID o patunay.

-- ADVERTISEMENT --

Dahil dito, nagdudulot ng mahabang traffic ang ipinapatupad na mahigpit na checkpoint laban sa covid-19.

Nagpatupad na rin ng curfew ang Tuguegarao mula 9:00 PM hanggang 4:00 AM.