TUGUEGARAO CITY-Hinihintay na ng Office of the Civil Defense Region 2 ang listahan ng mga pasahero ng mga eroplano na galing sa mga bansa na may kaso ng novel coronavirus mula sa Civil Aviation Authority of the Philippines na pumasok sa Region 2 buhat noong November 2019
Sinabi ni Michael Conag ng OCD Region 2 na ito ang napagaksunduang gagawing hakbang ng Regional Disaster Risk Reduction Management Council para matiyak na walang makakapasok na may nCov sa rehion.
Ayon kay Conag, magsasagawa ng tracking ang mga medical practioners ng DOH sa mga nasabing pasahero at imomonitor ang mga ito.
Kaugnay nito, sinabi ni Conag na batay naman sa report ng Philippine Coast Guard, wala pang barko na mula sa ibang bansa ang dumaong sa rehion.
Sa ngayon ay may apat ng Person Under Investigation ng nCov sa Region 2.
Ang una ay mula sa Hongkong, mula naman sa Macau ang pangalawa at ang dalawang nadagdag ay mula din sa mga nasabing teritoryo ng China na dumating sa bansa noong January 29.