
Posibleng mabawasan ang bilang ng mga dadagsang pasahero sa mga pantalan na uuwi ng probinsiya ngayong Semana Santa.
Ito ay sa gitna ng pagtaas ng presyo ng petrolyo at mga ipapatupad na dagdag singil sa pamasahe ng ilang mga shipping company.
Ayon kay Department of Transportation Secretary Giovanni Lopez, nauna nang nagtaas ng singil ang ilang shipping lines pero hindi pa lahat.
Sa kabila nito, nagbabala ang kalihim na dapat nasa 20 percent lamang ang itataas sa pamasahe alinsunod sa pinapayagan ng Maritime Industry Authority o MARINA.
May isa aniya na aniyang napaulat na nagtaas ng 140 percent ang singil sa pamasahe na iisyuhan na ng show cause order.
Aminado naman si Lopez na posibleng mas kaunti ngayon ang bilang ng mga dadagsa sa mga pantalan ngayong Holy Week.
Samantala, hindi naman sang-ayon si Philippine Ports Authority General Manager Jay Santiago na alisin muna ang ilang fees sa pantalan dahil sa mataas na presyo ng petrolyo.
Sabi ni Santiago, halos hindi rin naman ito mapapakinabangan ng publiko at maaapektuhan pa ang libu-libong mga kawani ng PPA.










