TUGUEGARAO CITY- Pinag-aaralan na ng mga otoridad sa Kalinga ang ipapataw na parusa laban sa mga pastor na nagdaos ng religious activity na nagbunsod ng local transmission sa lugar.
Sinabi ni Dionica Alyssa Mercado, Kalinga Provincial Information Officer, galing sa ibang lugar ang mga pastor na nagpositibo sa virus.
Dinaluhan ng kanilang mga religious members mula sa Kalinga ang isinagawang religiouss gatherings na kalaunan ay nagkahawaan na rin ng virus.
Giit ni Mercado na ito ang nagparami sa bilang ng mga nagpositibo sa kanilang lugar.
Lumabas din aniya sa pagsisiyasat na unang pinigilan sa kanilang pinagmulang lugar ang pag-alis ng miyembro ng hindi na binanggit na religious sector ngunit tumuloy pa rin.
Kasalukuya ng isinasagawa ang contact tracing upang matukoy ang iba pang nakasalamuha nila.
Kaugnay nito ay inihayag niya na sa kasalukuyan ay puno na ang mga COVID-19 facilities ng kanilang bayan kaya’t pansamantalang sinuspindi ang pagtanggap ng mga LSI mula sa Metro Manila at ibang mga karatig probinsya.
Nilinaw nito na tanging mga LSI lang ang hindi muna tinatanggap habang ang mga returning OFWs ay pinapayagan pa ring makauwi ngunit dapat dumaan sa mga health protocol at strict monitoring.
Sinabi niya na mula noong buwan ng Hunyo ay nakapagtala na ang Kalinga ng 136 na kumpirmadong kaso ng COVID-19 habang wala pang