Tuguegarao City- Isasailalim sa thermal scanning ang lahat ng pasyente at bantay na papasok sa loob ng Cagayan Valley Medical Center(CVMC).

Ito ay bahagi ng pina-igting na pagpapatupad ng precautionary measures kasabay ng deklarasyon ng code red sublevel 2 sa banta ng COVID-19.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Dr. Cherry Lou Molina-Antonio, Chief Medical Professional Staff ng CVMC, isang bantay lamang ang pinapayagang makapasok sa loob ng hospital upang maiwasan ang over crowding.

Hihigpitan din umano nila ang pagpapapasok ng dalaw tuwing visiting hour upang makaiwas sa banta ng naturang sakit.

-- ADVERTISEMENT --

Aniya, kung makikitaan ng sitomas ng COVID-19 ang mga banay ay agad itong maa-isolate at hindi na papasukin upang hindi na makahawa.

Irerekomenda sa home quarantine sa mga bantay na makikitaan ng lagnat na hindi nahihilo at nahihirapa sa paghinga habang ang mga makikitaan naman ng komplikasyon ay maa-admit.

Nakaalerto pa aniya sa monitoring ang Infection Control Committee ng naturang tanggapan upang matiyak na mababantayang mabuti ang kalagayan ng mga pasyente.

Tiniyak naman nito na magpapatupad ang CVMC ng mga precautionary measures upang maproteksyonan naman ang mga medical personnel ng naturang hospital na nagbabantay sa mga pasyente.

Kahapon ay nagkaroon ng pagpupulong ang pamunuan ng nasabing hospital katuwang ang mga medical staff upang mapag-usapan ang mga protocol na dapat ipatupad laban sa COVID-19.